Skip to main content

Posts

Seryoso ba? May "Libreng" Bahay at Lupa na sa Korea?

  Ang Reality ng "10,000 Won" Monthly Rent Ang programang ito ay hindi biro. Noong nakaraang taon, naging viral ang Hwasun-gun sa Jeonnam dahil sa kanilang "Man-won House." Dahil naging matagumpay ito, ngayong 2026, marami na ring lugar sa Gyeongsang-do at Chungcheong-do (malapit sa atin sa Chungju!) ang sumusunod sa ganitong sistema. Ang logic nila: Mas mabuti nang kumita lang ng 10,000 won (halos 420 pesos) bawat buwan kaysa naman mabulok ang mga bahay at mawalan ng tao ang buong bayan. Bakit ito "Opportunity" para sa mga Pinoy ngayong 2026? Dito papasok ang pinaka-updated na part. Alam niyo ba ang F-2-R (Regional Specialized Resident Visa) ? Ngayong 2026, mas pinalawak pa ng Ministry of Justice ang programang ito. Kung ikaw ay isang foreign talent o graduate na handang tumira at magtrabaho sa mga "depopulated areas" (mga lugar na paubos na ang tao) sa loob ng limang taon, mas madali na ang pagkuha ng F-2 residency visa . Ibig sabihin, ang ...

Citizenship Reform: Karapatan ba ng mga Batang Isinilang at Lumaki sa Korea?

Citizenship Reform: Karapatan ba ng mga Batang Isinilang at Lumaki sa Korea? Kilalanin natin si Dr. Mohammad Nazmul Hasan (o mas kilala bilang Nadim), isang PhD graduate mula sa Korea National University of Transportation (KNUT). Bago siya nag-Korea, sa Sweden muna siya nag-Master's. Dito na sa South Korea isinilang ang kanyang anak, at pangarap sana ni Dr. Nadim na gamitin ang kanyang talino para makatulong sa pag-unlad ng Korea. Pero dahil sa hirap ng pagkuha ng trabaho at limitasyon ng student visa, napilitan siyang maghanap ng opportunity sa ibang bansa. Ngayon, isa na siyang Scientist sa isang research institute sa Oklahoma, USA. Sayang, 'di ba? Isang talentong sana ay nasa Korea pa rin ngayon. Ang Hamon sa South Korea: Retaining Talent Sa pananaw ni Dr. Nadim, kailangang maging mas "open" ang Korea sa mga skilled foreign graduates. Alam nating lahat na problema ng Korea ang declining birthrate at tumatandang populasyon. Para sa kanya, ang solusyon ...

Mula Pilipinas Patungong Korea: Ang Kwento ng Isang Guro

Mula Pilipinas Patungong Korea: Ang Kwento ng Isang Guro Ako si Majella Pagayon, o mas kilala bilang Teacher Ela . Mahigit 20 taon na akong naninirahan dito sa South Korea—isang journey na puno ng pagsubok, tagumpay, at mahahalagang aral. Sa pamamagitan ng pagtuturo at pagkukwento, nakahanap ako ng paraan para pag-ugnayin ang iba't ibang kultura at mas lumalim ang pag-unawa sa buhay-dayuhan. Ang Buhay bilang English Conversation Teacher Nagsimula ang lahat nang lumipat ako dito sa Korea. Sa loob ng dalawang dekada, marami na akong naging students mula sa iba't ibang walks of life. Ang goal ko sa bawat klase? Hindi lang basta grammar, kundi ang pagbuo ng isang "comfortable environment" kung saan ang bawat student ay may kumpyansang magsalita at mag-express ng kanilang sarili. Pakikibagay sa Kultura ng Korea Hindi madali ang mag-adjust sa bagong bansa, pero sa paglipas ng panahon, natutunan kong yakapin at mahalin ang kulturang Korean—mula sa kanilang pagkai...

WELCOME TO PINOY SARANG:MY 22-YEAR JOURNEY IN SOUTH KOREA

Kumusta! Ako si Majella. Matapos ang mahigit dalawang dekada ng pagtuturo ng English dito sa South Korea, naisip kong panahon na para ibahagi ang aking mga karanasan—mula sa buhay-guro hanggang sa mga sikreto ng sa digital world

Ang Risks ng Pagtatakas (Absconding): Ang Realidad ng mga Seasonal Workers sa Korea

  Ang Risks ng Pagtatakas (Absconding): Ang Realidad ng mga Seasonal Workers sa Korea Sa interview ko kay Ms. Yvette Jaymalin mula sa Seasonal Worker Office, ibinahagi niya ang isang seryosong problema: ang dumaraming kaso ng mga seasonal workers na tumatakas sa kanilang kontrata. Bagama't akala ng iba ay ito ang sagot sa hirap, ang totoo, mas malubhang problema ang hinaharap nila. Bakit ba marami ang natituksong "tumakas"? Aminin natin, paglapag pa lang sa Korea, talamak na ang mga alok na mas malaking sahod at mas magandang trabaho sa labas. Minsan, may mga sumusundo pa mismo sa kanila na nangangako ng langit at lupa. Pero bes, ang ending? Nagiging TNT sila. Imbes na guminhawa, lalo silang nalulubog sa problema sa pera at batas. Ang Mapait na Katotohanan ng pagiging Illegal Hindi alam ng marami na kapag lumabas ka sa kontrata mo, target ka ng mga mapagsamantalang amo at illegal recruiters. Sahod na hindi binabayaran: Dahil alam nilang wala kang papel, minsan hindi ka...